Pagdating ng pag-aani At ng sanlibong taon, Sa paghukom sa marami Ng ating Panginoon, Ang lahat ay tatawagan Sa harap ng luklukan, Ang ganti ay ibibigay Pag ang Hari'y dumatal.
Ang galak ng Kanyang bayan Ay walang makapara Kung sila'y gantimpalaan Sa lahat nilang dusa; Sa pintong perlas na lantay Papasok silang tanan Ang buhay ay ibibigay Pag ang Hari'y dumatal.
Naghirap na nangagpunla Ng mahalagang bagay, Upang ang iba'y mahanda Sa pagtanggap ng buhay; Sa langit wala nang luha Walang nang kapanglawan Putong natin ay kakamtan Pag ang Hari'y dumatal.